Non-partisan na president and vice president tuwing [midterm] elections, posible kaya?

Isang araw na lang bago mag-eleksyon, so I am going to post my election-related thoughts… Wala lang, naisip ko lang ‘to. Hindi ko alam kung makabubuti ‘to, pero…

… Eh kasi naman, tingnan niyo ngayon, si Pnoy may sariling partido, si Binay meron din. Minsan, meron ding Team Administrasyon, merong Team Oposisyon. Paano pa ba magkakaisa ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa kung sa eleksyon, parang ‘magkalaban’ na? Kaya ko medyo in-emphasize ‘yung midterm elections sa title kasi, hindi pa naman tapos ‘yung term nila, o hindi pa naman panahon ng presidential elections para maging magkatunggali ulit (if ever) ‘di ba…

Ang point ko lang naman, kung incumbent sila sa panahon ng midterm elections, dapat wala muna silang kinikilingang partido; dapat tanggapin nila with open arms ‘yung mga senador at iba pang government officials na binoto ng taumbayan. :)

Pananaw ko lang ‘yan ah. Hehe. :D