Plannerism*

Hello guys! Gusto ko ulit umpisahan ang blog post na ‘to sa isang naalala ko. Natatandaan ko kasi ‘yung time na tinanong ko ‘yung friend ko ng ganito:

“Gusto mo ba ng organized na buhay?”

—–

Maraming sites sa internet ang nagsasabi na isa sa mga tools para maging organized, lalo na sa mga estudyanteng tulad ko, ay ang paggamit ng planner. Pero actually, kanya-kanya namang diskarte ‘yan kung paano mo gagawing organized lahat-lahat. Bukod sa planner, pwede kang gumamit ng simpleng notebook lang. O kaya naman kalendaryo. Pwede ring magpaskil ng reminders sa ref. Depende naman ‘yan sa kung ano sa tingin mo ang pinaka-effective sa ‘yo.

Pero ang pinaka-effective sa ‘kin ay ang planner. Kaya gusto kong i-share sa inyo kung paano ako gumagamit nun.

—–

Una, may 3 reasons kung bakit ako gumagamit ng planner. Dahil:

  1. FUTURE. Para makita ko ‘yung mga deadlines at events ahead of time.
  2. PRESENT. Para ma-manage ko ‘yung mga things to do throughout the day.
  3. PAST. Para mag-serve as remembrance sa future kung gaano ako kasinop. Hahaha!

Nagsimula akong career-in ang paggamit ng planner simula nung first year college ako, dahil sa planner na binibigay ng student council noon para sa mga freshmen. And it helped me to make it a habit, yay!

Ang ginagamit ko nga palang planner ngayon ay Stradmore Blogberry. Designed siya especially for college students kasi naka-base siya sa academic calendar, from June of the current year to May of the following year.

My planner

My planner

IMG_20141028_205921

Monthly spread

Weekly spread

Weekly spread

Nagustuhan ko ‘yung layout ng weekly spread ng planner ko dahil pa-vertical ang positioning ng days (dahil karamihan sa mga nakikita kong planner ay horizontal ang layout), parang madali kong navi-visualize ‘yung mga to-do’s, due dates or upcoming events – kung gaano ba siya kalayo o kalapit from the current date.

At bukod pa dyan, ang isa sa mga advantage ng vertical na layout ay pwedeng mong i-arrow papunta sa next day ‘yung mga hindi mo nagawa for the current day. Eto sample!

IMG_20141028_210958

A busy week in my planner

Sabi, kapag marami ka daw nilagay na arrow or nai-carry forward to the next day, ibig sabihin eh nagpo-procrastinate ka. Haha! Kaya ngayon, humihingi na ako ng paumanhin sa nakita niyong picture sa itaas. Hahaha! Minsan kahit anong gawin ko, sadyang may mga bagay na hindi ko na kinakayang gawin kaya pinagpapabukas ko na lang. XD

Plus, each month, merong page kung saan pwedeng i-jot down ‘yung thoughts mo or kahit ano na maisipan mo. At pwede ka ring mag-paste ng pictures ng mga memorable moments mo for the month.

IMG_20141028_210021

Pero ako, ang nilalagay ko sa left page ay mga quotes na nakakapagbigay ng inspiration or motivation sa akin. :)

IMG_20141028_210150

Statement galing sa isa sa mga idol ko!

Ito naman, closer look sa mga sinusulat ko sa planner ko.. Kung gusto niyo pa ng mas closer look pa, click niyo na lang ‘yung images. Sorry for the quality..

A closer look

A closer look

A closer look

A closer look

Ayan, pansin niyo na kung gaano ako kaarte sa planner ko. Haha! At, gumagamit ako ng 3 colors ng ballpen para sa pagsusulat dyan.

  1. RED. For due dates, anticipated activities and events
  2. BLACK. For things to do
  3. BLUE. For birthdays, anniversaries & other occasions, and for marking those days na #walangpasok

Yes, may pagkakaiba ang mga sinusulat sa monthly spread at weekly spread. ‘Yung monthly spread, sabi nga sa website na nai-cite ko kanina, “it’s basically a bird’s eye view of your whole month.” Kaya mapapansin niyo sa monthly spread ko na walang reminders dyan in black ink – puro red at blue lang. Bale, ang monthly spread ay pang-mabilisang tingin lamang. :)

May red at blue ink din sa weekly spread ko, but this time kasama na ang black ink, which serves as my to-do list. Checklist approach ako sa paggamit ng planner. May sense of accomplishment kasi kapag nakikita kong na-check-an lahat ng nakalagay eh. :) Kung nagawa ko ang isang to-do or natapos ang isang event, nilalagyan ko ng check. Kapag hindi ko nagawa/hindi nangyari at balak gawin the next day, lalagyan ko ng arrow. Kung cancelled naman, kino-cross out ko.

‘Yang weekly spread ang tinitingnan ko religiously. Eto ang five instances kung kelan ko chine-check ang planner ko:

  1. Bago umalis ng bahay. Baka may makalimutan pa akong gawin o dalhin.
  2. Kapag may assignment/announcement. Syempre, para i-jot down sa planner. Ballpens should be ready!
  3. Pagkauwi ko ng bahay. Para makita, maplano at magawa na kung anong mga dapat gawin. Esp during hectic days haha.
  4. Pagkatapos ma-accomplish ang bawat task. Para malagyan ko ng check.
  5. Bago matulog. Para nga walang makalimutan eh haha! Hindi po ako galit XD

Para naman hindi magmukhang boring at burdensome tingnan ang planner ko, minsan naglalagay ako ng mini-rants at mga statement na magfo-force sa ‘kin na gawin ang dapat gawin.

IMG_20141028_212931

My mini-rants in purple highlighter

Words that make me work harder in pink highlighter

“Notes to myself” in pink highlighter

May nagsabi sa ‘kin na ang arte ko daw dahil lahat-lahat na sinusulat ko. Sinasabi ko sa inyo, mawawala ako kapag wala akong planner, promise. Baka sa dami ng isipin ko, esp during school days, ay baka may makalimutan akong kahit isang detalye. Mahirap naman ‘yun. Saka mainam kung lahat-lahat sinusulat pero lahat-lahat naman ng naisulat na ‘yun ay nagagawa. Para sa akin, ang kaartehan ay ‘yung lahat-lahat sinusulat mo pero wala naman talagang nagagawa. Walang essence ang planner kung nagiging display lang ang content.

Kung anong sinusulat ko sa planner, ‘yun ang nagiging guide ko throughout the day. It keeps me in control. :)

—–

Ayan guys, sana na-encourage ko kayo na gumamit din ng planner katulad ko! But, as I said earlier, kanya-kanyang diskarte lang ‘yan. Ikaw, anong paraan mo?

—–

* Ang title ng post ko ay hango sa website na plannerisms.com. Ang website na ‘yan ang nagturo sa ‘kin kung paano i-maximize ang paggamit ng planner ko. :)

Share lang*

Naalala ko noong Thursday afternoon, 10/23/2014, few minutes after umalis ni mommy dahil tupad niya sa pagsamba..

Sa telepono, may tumatawag~

Tinatanong niya: “Nandyan ba si Mrs. Santiago?”

Hindi siya nagpakilala kaagad kaya tinanong ko na ang pangalan niya. Jenny daw.

Sabi ko, “Wala po. Ano pong kailangan nila?”

Bago niya sinagot ‘yung tanong ko, tinanong niya muna ang pangalan ko, kung kaanu-ano ko si mommy, saka ang age ko. At, tinanong niya pa kung ako lang daw ba ang nandito sa bahay at kung wala na daw ba akong mas matandang kasama na pwede nilang makausap.

Sabi ko, “Wala po ang parents ko dito sa bahay. Bakit po?”

Pagkatanong ko nun, pinakausap na ako ni Jenny sa isang babae rin na mukhang mas matanda sa kanya based sa boses niya.

Ito naman ang sabi niya sa ‘kin:

“Hello Irish. Wala ka na bang kasamang iba dyan? May sasabihin sana kami sa ‘yo..

“Sana maintindihan mo ‘to ha. Pakiusap, atin-atin lang muna ‘to kasi ayaw namin makagawa ng iskandalo.”

Opo lang ako nang opo pagkatapos ng bawat pangungusap niya. Tapos tinanong ko, “Okay po, ano po ‘yun?”

“May nangyari kasi sa mama mo..”

“Ano pong nangyari?” At this point, ramdam ko na talagang hoax lang ‘to kaya parang tamad na tamad na akong makipag-usap pa.

“‘Wag ka sanang mabibigla ha..

“Nandito ang mama mo ngayon sa pulis. Nabangga kasi ‘yung sinasakyan niya..”

Sa isipan ko, isang malaking “WEH.” Nagpunta sa church ang mommy ko, alam ko namang hindi siya pababayaan ng Ama, ‘no? Kaya hindi talaga totoo ‘yung sinasabi nila haha. Nakikinig na lang ako sa mga ibang pinagsasasabi nila pero hindi na ako nagsasalita pa, until nagsabi na lang ako ng “Okay, sige po” at saka binaba ang telepono.

Tapos hindi na nga pala tumawag ulit.

—–

Napansin ko, sa una pa lang talaga, hindi na totoo ‘yung setup nilang ‘yun kasi noong una, tinatanong nila kung nasaan ang mommy ko tapos sasabihin sa huli na nabangga raw ‘yung sinasakyan niya hahaha. Ano nga palang isasagot nila kung sakaling sinabi kong nandito sa bahay ang mommy ko nung tumawag sila? Mehehe. So ayun.

REGRETS. Sana pala pinagtripan ko na din sila. Sana pala, nag-act din akong overworried at tinanong ko na kung saan dapat pumunta tapos kung anong mga kailangan dalhin if ever. Tapos sana pala sinabi ko na antayin lang nila ako, pupunta ako sa kanila ASAP. Kaso tinamad na ako eh. Busy kasi ako sa pagiinternet nung time na ‘yun. Haha!

—–

* Ang title ng post kong ‘to ay based sa mga title ng posts ni kuya Dale Calo. Kung mag-share ‘yan, may mapupulot ka pang words of wisdom. Idol talaga! Check niyo ang kanyang blog dito. Promise, maaaliw kayo sa mga kwento niya :D

– Irish :)

The Girl’s Guide to Texting Her Crush

Having a crush on that guy you find handsome?

Got his phone number and saved it on your contacts?

Want to approach him through text, but not letting him know that you like him?

If you answered YES to all the questions, well, parehas tayo! Nakuha mo na ang number niya – ‘wag mong hayaang mabulok lang ‘yan sa contacts mo. Because, I’ve got tips to help you finally text your crush! (And these tips are based from my current experience – they really work for me!) Read on girls!

  • If your crush does not know your number yet, then it’s time to introduce yourself to him. But how can you do it properly? Do it the normal way. Paanong normal? ‘Yung parang basic approach mo lang sa mga kakilala mo. ‘Yung hindi siya mapapaisip na may crush ka sa kanya.
Screenshot_2014-10-23-15-45-08

This is my normal way of introducing.

Then cross your fingers and wish that he replies back.. If he does so, yay! You may proceed to the tips below. If not, um, better luck next time.

  • A simple “how are you” is okay. Actually, that’s one key to having a good conversation!
  • Keep your texts short and straight to the point. Ayaw ng mga guys ng masyadong paligoy-ligoy na text galing sa mga girls na hindi pa naman niya nakakausap nang madalas.
  • Don’t tell stories about yourself unless he asks you. Better yet, talk about topics that suit himself/his interests. If you know he’s into music, ask him about his favorite songs/bands. If he likes movies, ask him for possible movie suggestions. Yes, don’t be afraid to ask him. Your crush must gladly answer every question about his interests!
  • Never act clingy and flirty through your texts. And as much as possible, do not put excessive smileys dahil baka mairita lang siya.
  • Don’t expect quick replies. And you should not reply faster than the speed of light! If you find that he’s a late replyer, do not answer him immediately because that might intimidate him. Chill lang!
  • ‘Wag araw-arawin ang pagtetext sa kanya. Again, this might be another reason for him to be intimidated. Plus, ikaw rin, baka masanay ka at umikot na ang mundo mo sa kanya. Haha! May iba ka pang mga dapat gawin bukod dyan, girl!
  • Pigilin ang kilig sa tuwing nagrereply siya. ‘Wag i-post nang hayagan sa facebook lalo na kapag friends kayo dahil may chance na malaman niya na siya ‘yung tinutukoy mo!
Never, NEVER do this!

Girls. Never, NEVER do this!

  • Lastly, NEVER ASSUME. ‘Wag mong isipin na porke nire-replyan ka niya, may crush na din siya sa ‘yo. Expectations lead to disappointment. Instead, appreciate the fact na nagagawa niyang sumagot sa random texts mo. Texting “thanks for the time” is appreciated by guys! :D

So, that’s all for today. May these tips help you as much as they helped me. Happy texting, girls! :)))

“Global City of Fame”

Photo not mine

Katatapos ko lang mag-siesta.

Nanaginip ako – sure thing ‘yun – pero nakalimutan ko na kung anong mga tiyak na nangyari. Pero isa lang ang tumatak sa isip ko – ‘yang pangalan na “Global City of Fame”. Lumilitaw ‘yan sa panaginip ko kanina. Sayang nga talaga’t hindi ko naalala lahat – ang alam ko ngayon, basta nagising na lang ako na ang pangalang ‘yan ang unang nasa isip ko.

Sinearch ko sa Google kung meron nga ba talagang “Global City of Fame”, thinking na baka past knowledge ko ‘to na nakalimutan ko lang kung tungkol saan, pero wala eh. Walang relevant search result na lumabas.

Ano kayang ibig sabihin nito? Isa ba ‘tong sign, o baka naman implication ng isang event sa buhay ko?

O kaya naman baka pwede ko ‘tong gamiting opportunity para magsulat – na ang storyline ay maaaring umikot dyan sa “Global City of Fame” na napanaginipan ko? Pero infairness, pwede. Pero napakabihirang dumating ng creative juices ko para sa pagsusulat ng stories. But who knows ‘di ba? :D

Waaa. Sa ngayon eh hindi ko alam kung kelangan ko ba alamin kung ano ang ibig sabihin ng “Global City of Fame” na ‘yan o kung may kelangan ba akong gawin dyan. O baka naman nag-o-overthink lang ako. Haha. Hindi ko sigurado kung ngayon lang nangyari sa ‘kin ‘to – ‘yung paulit-ulit na uma-appear sa panaginip ko ang isang pangalan/bagay. Kakaiba lang ang pakiramdam pagkagising. ‘Yun talaga ang unang papasok sa isip mo eh. (At talagang napa-blog pa ako.) Kayo din ba, may ganyang experience?

Tingnan na lang natin sa future kung may hatid bang mensahe ang pangalang ‘yan sa akin…

Gwapo, pero hindi ko crush

1:30 a.m.

Oo, nakaka-appreciate ako ng “face value” or physical attractiveness ng isang tao. Pero hindi ibig sabihin nun na automatic kong nagiging crush ang isang guy. Sabi nila, ano daw standards ko sa isang crush? Wala naman akong definite standards ah grabe naman ‘yun. Basta kapag meron lang akong nararamdaman sa kanila na something na kakaiba na hindi ko mai-explain, ayun, crush ko na! xD

Pero naisip ko… among my crushes, may nakita na pala akong isang common denominator between them, and that is… *secret* mehehehe! :P

#RandomThoughtsNgayongMadalingAraw

Addendum 10/14/2014:

That common denominator is “SUBSTANCE OVER FORM”. :)