To all parents,

Kapag may sakit po ang anak niyo, huwag na huwag niyo pong sasabihin sa kanya na kaya siya nagkasakit dahil sa mga ‘di-magagandang bagay na nagawa niya noon. Kung alam niyo lang po, mas doble ang sakit na nararamdaman naming mga anak kapag talagang ini-insist ninyo sa amin na ang sakit namin ang bunga ng aming pagkakamali. Physically ill na nga po kami, pati po ‘yung emotional aspect namin, nadadagdagan niyo pa ng sakit. Dahil diyan, nakakapag-isip pa po kami ng mga hindi magaganda kasi naiisip namin na instead of ibibigay niyo ang utmost care sa amin habang may sakit kami, mas nadadagdagan pa po yung kirot dahil sa mga sermon na ibinibigay niyo sa ‘min. I know na may right time po talaga para mapagsabihan niyo kami tungkol sa mga mali naming nagawa, pero huwag naman po sana sa panahong may sakit kami. It makes us feel that we are less loved.

Ayan lang po ang gusto kong sabihin sa ngayon. Sana po maging aware din po kayo sa nararamdaman ng anak niyo. May pinaghuhugutan po ako.