Hindi ko alam kung bakit, pero ‘yung mga posts ko na originally intended to express my feelings ay nagagawa kong isulat sa ibang paraan. Meron kasi akong mga blog post dito na ‘yung dating niya ay parang namimigay ng advice o kaya nag-na-narrate ng kwento pero hindi niyo alam na ‘yun pala ang talagang nararamdaman/nararanasan ko. Parang kapag nag-e-express ako ng feelings dito sa aking personal blog ay hindi ko talaga kayang pagmukhaing totally personal. Kuha ba? Haha. Wala lang. Ang gusto ko kasi talagang mangyari dito sa blog ko eh maging reader-friendly pa rin ang mga posts ko kahit tungkol sa sarili ko lang naman ang mga sinusulat ko. Haaay nako. Well that’s just me :)

Post a comment!